Malnutrition rate sa Lagonoy, Camarines Sur, bumaba ngayong unang kwarter ng 2024

CAMARINES SUR- Nabawasan ang kaso ng malnutrisyon sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur ngayong unang kwarter ng taong 2024.

Kinumpirma ito sa Brigada News FM Naga ni Dr. Victor Amicis, Municipal Health Officer ng nasabing bayan. Bumaba ng 2% ang malnutrition rate sa bayan kung saan ang dating nasa 12.1% noong nakaraang taon, nasa 10.1% na lamang ngayon. Sabi ni Amicis, bunga na ito ng pagiging consistent nila sa paggawa ng mga hakbang para sugpuin ang malnutrisyon sa lugar tulad ng regular na pamimigay ng feeding sa mga bata.

Bukod pa riyan, ang patuloy na pagsuporta sa mga buntis at nanay na nagpapadede ang isa rin sa kanilang tinututukan para maiwasan ang kakulangan sa nutrisyon ng bata lalo na ngayong sobrang init ng panahon kung saan ang kalusugan ng mga bata ang labis na naaapektuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *