Panibagong kaso ng pagkamatay dahil sa COVID- 19 naitala sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Tatlong panibagong kaso pagkamatay dahil sa COVID- 19 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon.

Isa sa tatlong ito ay mula sa bayan ng Basud at siya ay si Bicol No 20088 na isang 51 anyos na babae.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, unang nakaranas ng sintomas ang pasyente noong July 14.

Walang travel history ang pasyente at hindi rin alam kung paano nahawa ng sakit.

Binawian ito ng buhay noong July 18 habang nasa Camarines Norte Provincial Hospital.

Ito na ang ika- walong kaso ng pagkasawi  sa naturang bayan.

Agad naman umanong isinailalim sa quarantine procedure ang mga natukoy na close contact ng pasyente.

Sa datos ng Provincial Health Office (PHO) nasa 57 na ang bilang ng mga nasawi sa buong lalawigan na mas mataas sa 54 sa record ng DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published.