Panukala na naglalayung i-criminalize ang red-tagging, inihain sa Kamara

Naghain ang ilang mambabatas sa House of Representatives ng panukala na naglalayung i-criminalize ang red-tagging, dahil ito umano ay nagbibigay ng panganib para sa constitutional right ng tao mula sa freedom of expression at right to political belief.

Batay sa House Bill No. 9437, ang dalawang rason para makasuhan ang red-tagging ay dahil ito ay ginawa sa pamamagitan ng pag-gamit ng pondo ng publiko, at ito rin umano ay may injurious at irreversible impact sa mga biktima.

Giit sa mga nagpakilala ng panukala na sina Reps. Carlos Zarate, Edcel Lagman, Jose Belmonte, Pablo Ortega, Eufemia Cullamat, Ferdinant Gaite, Arlene Brosas, France Castro, at Sarah Jane Elago na sa ilalim ng administrasyon, ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang nagiging chief implementer sa polisiya ng red-tagging.

Nakasaad rin sa panukala na ang sinumang public official o empleyado na nag-red tags sa isang tao ay mapaparusahan ng pagkakakulong o multa, perpetual disqualification to hold public office, o haharap sa administrative cases. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *