Parcel mula Zimbabwe na naglalaman ng 218.4M na ilegal na droga, nasabat ng NAIA-PDEA; Claimant, arestado

Nasa kustodiya na ng NAIA PDEA-IADITG ang babaeng claimant ng apat na parcel na naglalaman ng higit sa 30 kilo ng hinihinalang shabu mula Zimbabwe.

Ang babaeng claimant ay inaresto kagabi sa isang warehouse sa NAIA complex matapos niyang i-claim ang parcel kung saan nakalagay ang bulto bultong shabu.

Natuklasan ng Bureau of customs at NAIA-PDEA ang laman ng apat na parcel na ideklarang machinery muffler matapos dumaan sa x-ray machine at physical examination kung saan inilagay sa loob ng makapal na bakal o machinery parts ang 32.13 kilos na hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa P218,484,000.

Depensa ng suspect inutusan lang daw siya ng kanyang boss para kunin ang naturang parcel mula Zimbabwe ng bansang Africa.

Nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sinu sinu ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga illegal na droga papasok sa bansa.

Nahaharap naman ang suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *