Part 2 ng Caravan sa panawagang BTA Extension kasado na ngayong araw ng myerkules June 23,2021!

ISASAGAWA muli ng ibat-ibang Civil Society Organization o CSO ang peace caravan na may layuning hilingin sa Pamahalaang Duterte ang pagpapalawig sa termino ng BTA hanggang sa taong 2025.

Sa North Cotabato, handang handa na ang lahat ng mga kalahok sa nasabing programa. Ayon kay North Cotabato Board Member at sya ring Administrator ng 63 barangay na ngayon ay kabilang sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region, Mohammad”kellie”Antao Alhaj, hinikayat nito ang publiko na makiisa sa gaganaping Caravan for BTA Extension bukas.

Sa panayam ng Brigada News Cotabato City sa opisyal, sinabi nito na isa sya sa mga dumalo sa nangyaring pagpupulong kung saan tinalakay ang nakatakdang aktibidad bukas ng umaga. Iginiit ni Antao na ang Provincial Government ng North Cotabato sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco at Vice Governor Lala Talino Mendoza ay isang daang porsyentong suportado ng mga ito ang pagpapalawig ng Bangsamoro Transition Authority.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *