PBBM: ‘Bagong Pilipinas’ – ‘di kumpleto kung ‘di kasama sa pag-unlad ang Bangsamoro

“A stronger BARMM means a Stronger Mindanao, a stronger Mindanao means stronger Philippines”


Ito ang tinuran ni Pangulong Bongbong Marcos sa ika 17th meeting ng National Government at Bangsamoro government Intergovernmental Relations body o IGRB, na ginanap sa PICC ngayong hapon.

Sa kanyang talumpati, binati nito ang Bangsamoro transitional authority sa pagsasabatas ng Bangsamoro administrative code, Civil Service Code, Education Code, electoral code at local governance code.

Inilatag din nito ang mga bagong programa upang makamit ang tunay na kaunlaran at kapayaan sa Bangsamoro.

Isa na dito ang nalagdaang diplomatic notes sa pagitan ng Pilipinas at Japan para sa pagbili ng 6.8 million dollar na halaga ng construction equipment para sa road netweok improvement at disaster quick response operation sa BARMM.

Pati na ang pag lagda sa guidelines ng Petroleum service contract at coal operating contracts.

Binigyan diin ni Pangulong Marcos na hindi kumpleto ang Bagong Pilipinas kung hindi kasama sa pag unlad ang BARMM.

Nabatid na ang IGRB ang naatasang mag resolba ng mga isyu sa pagitan ng national at Bangsamoro government, lalo na ang may kinalaman sa ugnayan ng mga pamahalaan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *