PBBM, ‘di nakadalo 30th Mabini Awards Ceremony sa Malacanang

Hindi nakadalo si Pangulong Bongbong Marcos sa ika-30th Mabini Awards Ceremony na ginanap sa Heroes Hall ng Malacanang ngayong hapon.

Sa halip si Executive Secretary Lucas Bersamin ang tumayong kinatawan nito sa pagtitipon.

Si Bersamin na rin ang nagbasa ng dapat sanang speech ng Pangulo.

Samantala pinarangalan naman sa Mabini Awards ceremony ang ilang natatanging indibidwal at grupo ng mga Persons with Disability o PWD’s.

Kabilang sa mga award na ipinagkaloob ay ang kategoryang Organization of PWD, Empowerment of PWD, media advocate award, Manuel Agcaoili Employer of the Year Award, Local Government Unit Award, Disability Friendly Establishment Award , Special Recognition Award, Filipino with Disability Award at Apolinario Mabini Lifetime Achievement Award.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *