PBBM, nanindigang walang isusuko na kahit anong pagmamay-ari ng Pilipinas

Muling nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang commitment na poprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas mula sa anumang foreign threat.

Ang pahayag ng pangulo kasabay ng kanyang State of the Nation Address ay kasunod rin ng napaulat na may panibagong Chinese militia vessels na nag-iikot sa West Philippine, sa kabila na ilan nang diplomatic protests ang inihain ng nakaraang administrasyon laban sa China.

Giit ni Marcos, mananatiling “friend to all”, “enemy to none” ang Pilipinas, pero ipaglalaban kung anu ang para sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, handa rin umano ang Pilipinas na resolbahin ang anumang disputes sa ibang mga bansa.

Tulad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, handa si Marcos na magsagawa ng bilateral talks sa China hinggil sa pinag-aagwang teritoryo, at iginiit na hindi option ang giyera sa Asian power.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *