Peacekeeper, patay sa pag-atake sa Congo

Patay ang isang peacekeeper mula sa South Africa matapos na atakehin ang sinasakyan nitong helicopter sa eastern part ng Congo.

Sugatan din sa insidente ang isa pang South African peacekeeper matapos ang pag-atake pero nagawa nitong makalipad at makalapag sa airport sa provincial capital na Goma.

Ayon sa report, nangyari ang pag-atake matapos itong mag-take off mula sa Beni city.

Wala pang maiturong suspect sa pangyayari habang hindi din masabi ng mga otoridad kung anong klaseng armas ang ginamit sa halicopter.

Matatandaan na nagtalaga ng 18,200 na UN Peacekeeper sa eastern Congo simula nang mag-take over mula mula sa dating UN operation noong 2010.

Napag-alaman din na walong peacekeepers ang napatay noong nakaraang taon nang mag-crash ang kanilang helicopter sa bahagi ng North Kivu province kung saan nagaganap ang giyera sa pagitan ng Congolese army at rebeldeng grupo na M23. (UN NEWS PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *