Mga barangay sa San Fernando, nakiisa sa “Gulayan sa bawat bakuran” at “HAPAG project”

Nakiisa ang 35 barangays ng City of San Fernando sa isinagawang agricultural activities sa Syudad, kasabay ng pagdiriwang ng Kaganapan 2023.

Ang mga proyekto na tinawag na “Gulayan sa Bawat Bakuran” ng City Agriculture and Veterinary Office o CAVO at “HAPAG” ng Department of the Interior and Local Government o DILG, ay naglalayong dagdagan pa ang bilang ng community gardens sa bawat barangay.

Naka-angkla din umano ito sa kampanya ni Mayor Vilma Caluag na panatilihin ang food security sa syudad, bilang suporta rin sa agriculture efforts ng nasyonal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *