Personal na problema at mental aspect ng sundalong namaril patay sa kanyang 4 na kasamahan, tinututukan

Personal na problema ang tinututukang anggolo sa nangyaring pa-mamaril sa loob ng kampo ng militar na nakabasi dito sa lungsod ng Cagayan de Oro, kung saan limang sundalo ang nasawi.

Ayon kay 4th Infantry Division Philippine Army Spokesperson Major Francisco Garello Jr. maliban sa private life ng 35-anyos na suspek na si Private Johnmar Villabito, tinitignan rin ng investigating body ang mental aspect nito.

Una nang lumabas sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives, na hindi lasing at hindi rin impluwensyado sa ilegal na droga ang suspek.

Sa ngayon ay nasa 4th ID gym na ang labi ng apat na sundalon biktima habang sa hiwalay na building naman ng 4th ID ibinurol ang labi ng suspek upang maiwasan ang anomang tensyon sa pagitan ng mga pamilya.

Tiniyak naman ng pamunuan ng 4th ID na bibigyan ng full military honor ang 4 na sundalong biktima at ibibigay ang mga benepisyo sa kani-kanilang pamilya, habang forfieted lahat ng benepisyo sa suspek, maliban sa ibinigay na funeral assistance at contribution ng lahat ng personnel mula sa Command Welfare Assistance Fund. -END-

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *