Tatlong bahay, nasunog sa bayan ng Brookes Point, Palawan

Nasunog ngayong hapon ng Lunes ang tatlong bahay sa sitio buligay barangay Poblacion District 1 sa Brooke’s Point, Palawan.

Ayon sa mga residente, may narinig silang ‘pumutok’ sa loob ng tahanan bago ito mabilis na lumiyab.

Kabilang sa mga nasunugan ang mag-inang guro na sina Diana Vallejo na napaiyak na lamang dahil sa wala silang naisalabang gamit pati ang mga printer ng paaralan kung saan sila nagtuturo.

Kaugnay nito, mahigit isang oras ang lumipas bago tuluyang napatay ang apoy ng mga bumbero subalit maraming gamit na ang natupok at hindi na pakikinabangan.

Maliban sa kanila, nasunog din ang dalawang iba pang bahay malapit sa kanila ay yari din sa light materials.

Samantala, nag-iimbestiga na ang Bureau of Fire Protection sa pinangyarihan ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *