Pfizer vaccines, parating na sa Naga City; NagaVax express ng Janssen aarangkada na ngayong araw

NAGA CITY- Parating na sa Naga City ang bakuna kontra COVID-19 ng an American multinational pharmaceutical and biotechnology corporation na Pfizer Inc.

Ito ang masayang inanunsyo ni Mayor Nelson Legacion, may nakahanda nang cold storage facility ang lokal na pamahalaan.  Kaya hinihikayat ang mga nasa priority group na magparehistro na online man sa https://covidvax.naga.gov.ph  o manual sa mga Barangay.

Sa mga susunod na araw inaasahan din ang pagdating ng para sa ibang parte ng Bicol Region.

Ang naturang brand ay isa sa pinakahihintay ng maraming Bicolano.

Samantala , habang hindi pa nagsisimula ang pagbabakuna ng Pfizer, aarangakada na ngayong araw hanggang bukas ang Naga Vaccination Express.

Upang maging sistematiko ang vaccination rollout, babase sa mga nakapagparehistro mula noong Pebrero hanggang noong Hulyo 21. Limang vaccination sites ang inihanda para sa 27 barangays.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Coun. Dodit Beltran, ang mga papasok sa venue ay dapat magpakita ng stub na patunay na sila ay nakapagparehisto at may schedule na. Ang mga stub na ito ay ipinamagi ng council mula sa LGU.

Sa ngayon hindi pa masabi kung tatanggap na ng walk in. Katuwang ng LGU Naga sa NagaVax ang Office of the Vice President.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *