PH Gov;t, bababaan ang COVID-19 vaccination target

Ire-recalibrate ng gobyerno ang kanilang vaccination target dahil sa global supply issues.

Mula sa inisyal na target na mabakunahan ang 70% ng populasyon o 70 milyong Pilipino bago matapos ang taon para makamit ang herd immunity, ay ibababa ito sa 50% hanggang 60% sa pamamagitan ng pagtutok sa Metro Manila para makuha ang agarang proteksyon.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sakaling mag-improve na ang global supply, makakamit parin ng bansa ang inisyal na target na magbakuna ng 70 milyong indibidwal.

Samantala, mula naman sa pagtukoy ng “herd immunity” na ginagamit ng buong mundo para i-define ang substantial proportion ng populasyon na immune sa specific disease, ay papalitan ito ng DOH ng term na “population protection through mass immunization”

Giit kasi ni Cabotaje, ang salitang herd immunity, ay maraming kaakibat na mga criteria. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *