PH, may kabuoang 31.3 million COVID vaccine doses na nasayang lang

Papalo sa kabuoang 31.3 million ang mga COVID-19 vaccine doses ang nasayang ng Pilipinas as of November, na nagkakahalaga sa halos P15.6 billion.

Ayon kay Senator Pia Cayetano, na batay sa datos ng Department of Health (DOH), na ang halaga ng wastage ay tinataya lamang batay sa computation na P500 per vaccine dose.

Binigyang diin din ng DOH na ang bansa ay mayroon ngayong 12 percent vaccine wastage rate na mas mataas sa 8.42 percent na naitala noong Agusto.

Mababatid na itinakda ng World Health Organization (WHO) ang threshold ng vaccine wastage sa 10 percent.

Samantala, ang dahilan naman umano ng vaccine expirations, ay ang maiksing life span, natural disasters, temperature excursion, discoloration at particulate matters, at iba pa. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *