35k manggagawa, maaapektuhan ng closed fisihing season ng isdang sardinas sa Zambo

Nag alok ng emergency employment ang Department of Labor and Employment sa 35,000 na mga manggagawa na maaapektuhan ng closed fisihing season ng isdang sardinas sa Zamboanga.

Ang closed season ay magsisimula sa December 2022 at tatagal hanggang February  2023.

Inaprubahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang P10 milyon para sa emergency employment ng mga concerned workers sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) Program.

Ang mga benepisyaryo ay maaaring tumanggap ng suweldo para sa isang buwan sa panahon ng closed fishing season.

Noong 2014, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay naglabas ng Administrative Circular 255 na nagdedeklara ng closed fishing season para sa isdang sardinas sa Conservation Area na sumasaklaw sa Zamboanga waters upang mapanatili ang supply nito. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *