Pilipinas, kabilang sa mga bansang may pinakamataas na ‘income inequality’

Mula sa 63 na mga bansa, nakuha ng Pilipinas ang ika-15 na pwesto pagdating sa income inequality.

Ayon sa report ng World Bank, ang top 1% ng mga Pilipinong kumikita ay nakakukuha lamang ng 17% ng total national income.

Fourteen percent ng nasabing kita ay pinaghahatian pa ng bottom 50%.

Ipinaliwanag din ng World Bank na ang nasabing “inequality” ay nangangahulugang hindi pagkakapantay-pantay ng oportunidad; hindi pantay-pantay na kakayahan sa pagkuha ng kalidad na edukasyon; at social norms na nagpapahirap sa mga kababaihan.

Ayon sa organisasyon, dahil sa inequality na ito ay nasasayang ang potensyal ng mga tao.
#

Economic managers, tiniyak na tutugunan ang isyu

Tiniyak ng National Economic Development Authority na mayroong nakalatag na hakbang ang pamahalaan matapos ang ulat ng World Bank na mataas ang income equality sa bansa.

Sa naturang ulat, sinabi ng World Bank na bagamat bumaba ang poverty rate sa Pilipinas – lumaki naman ang agwat at hindi pagkakapantay-pantay sa sinasahod ng isang Pilipino.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan na handa ang Gobyerno para tugunan ito.

Sa katunayan, ang binuo umanong ‘8-point socioeconomic agenda’ ay nakatuon sa pag-address sa mga katulad na suliranin, pati na rin paglaban sa kahirapan.

Ang agendang ito ay bahagi ng 2023-2028 Philippine development plan na binalangkas ng kasalukuyang administrasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *