Pimentel, kinompronta ang PGH director re: SMS noon pang 2022

Kinompronta ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang head ng Philippine General Hospital (PGH) sa hindi pagsagot sa kanyang mga text  message, nang manganganak na ang asawa nito, halos tatlong taon na ang nakakaraan.

Sa deliberasyon ng 2023 budget para sa PGH, tinanong ni Pimentel si Dr. Gerardo “Gap” Legaspi, ang direktor ng naturang ospital, kung bakit bigla itong nawala nang magpa-follow up umano ang senador sa kaso ng kanyang asawang si Kathryna noong March 2020.

Tugon ng PGH head, sa pamamagitan ng sponsor ng budget na si Senator Pia Cayetano, na sumagot umano ito sa text message, at nagpasalamat pa nga ang senador sa kanyang tulong.

Pinasinungalingan naman ito ni Pimentel at sinabing kahit hanggang ngayon ay wala itong natanggap na reply.

Sa gitna nito, ipinaliwanag din ni Cateyano na sa mga huling linggo ng March 2020, kinailangan na magsara ang PGH at maghanda matapos na tukuyin bilang isa sa mga Covid Referral Hospitals.

Giit ng senadora, walang intensyon dito na i-single out ang sinuman. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *