Pinaka-malaking puno ng saging sa mundo, natuklasan sa New Guinea; bunga nito halos kasing laki na ng sanggol

NATUKLASAN sa Arak Mountains sa west Papua, New Guinea ang pinaka-malaking puno ng saging sa mundo, kung saan ang mga dahon nito ay nasa 2.5 meters ang haba at laki habang ang bunga naman nito ay nakikipagsabayan sa laki at haba ng isang bagong panganak na sanggol.

Ayon sa ulat, kakaiba umano ang plant gene ng nasabing punong ito dahil ang mga pangkaraniwang naman na puno ng saging ay mas baba pa  sa 10  metro pero iba ang punong ito na pinangalanang Musa Ingens dahil  may taas umano itong  12 hanggang 25 metro  kung saan pinapaniwalaan ng mga dalubhasa na ito ay galling pa sa ancient canaan.

Base sa pag-aaral ang mga Musa Ingens ay karaniwan lamang tumutubo at natatagpuan sa mga basing lugar at matatarik na lugar o sa mga gilid ng mga highlands swamp.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *