Pinakamahabang pipino sa mundo, inani sa bansang England

KINILALA ng Guinness Book of World Records kamakailan ang amateur gardener na si Sebastian Suski mula sa England matapos nitong i-presenta ang kanyang inaning Pipino na itinuturing na pinakamahabang pipino sa buong mundo.

Batay sa ulat ng Guinness, si Suski ngayon ang may hawak ng titulong “Longest Cucumber in the World” matapos umabot sa 113.4 cm (3 ft 8.6 in) ang haba ng pipino na kanyang inani mula sakanyang hardin.

Sa isang panayam sinabi ni Suski na isang malaking hamon ang makapagpalaki at makapag harvest ng naturang pipino dahil hindi umano ito lalaki sa nasabing sukat kung agad na inani habang mabubulok naman ito kung masyado pang patatagalin.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *