Pinapalutang na ‘No Election’ sa Mayo walang basehan ayon sa DILG

Iginiit ni Department of the Interior and Local Government spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na walang basehan para ipostpone ang May 2022 Elections.

Ayon kay Malaya gawa-gawa lang ito ng mga taong laging kumukontra sa pamamalakad ng gobyerno.

Dagdag pa ng opisyal imahinasyon lamang ito ng mga kritiko at walang katotohanang may ginagawang hakbang para maipagpaliban ang halalan ngayong taon.

Sa katunayan ayon kay Malaya mainit na umano ang pulitika at ramdam na election fever ilang buwan bago botohan.

Ginawa ni Malaya ang pahayag matapos sabihin ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na ang petisyon ni PDP-Laban faction President Energy Secretary Alfonso Cusi na muling buksan ang filing ng COC ay taktika para mapostpone ang eleksiyon.

Depensa naman ni Malaya ang natura petisyon ay hindi para ipagpaliban ang halalan kundi madagdagan ang mga kandidatong gustong tumakbo sa 2022 Elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *