PNP at NBI, inumpisahan ang joint investigation para sa pagkamatay ng middleman sa Bilibid

Inumpisahan na ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police ang imbestigasyon nito para sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid, at ang pagkamatay ng sinasabing middleman sa kaso na si Jun Villamor.

Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, nag-ugat ang joint-probe mula sa text mesage ni Villamor sa kanyang kapatid na ipapapatay na siya nang sumuko si Joel Escorial, ang self-confessed gunman sa krimen.

Bago ito, una nang sinabi ni Remulla na hindi nila isinasantabi ang anggulong ‘murder’ sa pagkamatay ni Villamor – taliwas sa unang autopsy report na nagsasabing walang foul play sa insidente.

Nailipat naman na sa kustodiya ng NBI ang apat na mga inmates ng New Bilbid Prison na posibleng may alam o kaugnayan din sa kaso.

Maliban pa rito, kinumpirma rin ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Xavier Solda na na-secure na nil ang isa pang pinaniniwalaang middleman sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *