PNP Camarines Sur heightened alert sa pagsisimula ng Simbang Gabi

CAMARINES SUR- Naka highthed alert ang Camarines Sur PNP kaugnay ng pagsisimula ng Simbang Gabi hanggang sa paparating na holiday season.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCAPT Marlon Lladoc, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office. Aniya nakahanda na ang mga kapulisan sa bawat bayan. Hindi lamang ang seguridad ng publiko sa mga simbahan at sa mga matataong lugar ang tutukan kundi ang mga malalayong lugar upang mapigilan ang nakawan habang abala sa pagsimba ang marami, Simbang gabi man o Misa De Aguinaldo.

Dadgag pa ni Lladoc dapat ang pulis ay wala ding pipiliing rerespondehan anuman ang estado sa buhay. Huwag din aniyang balewalain ang isinusumbong malaki man o maliit na krimen.

Samantala,  sa update PNP headquarters Full Alert Status sa kanilang hanay bilang paghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *