PNP, hinihintay pa ang pinal na desisyon kung saan gaganapin ang inagurasyon ni Marcos

Hinihintay pa ng Philippine National Police (PNP) ang pinal na desisyon ng kampo ni President elect Bongbong Marcos Jr. kung saan gaganapin ang inagurasyon nito bago nila ilatag ang mga inihandang security measures.

Ayon kay PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., may abiso na sa kanila si Marcos na posibleng sa Ilocos o di kaya nama’y sa Maynila gaganapin ang kanyang inagurasyon.

Kagaya noong proklamasyon ni President elect Marcos, may security plan na nakalaan ang PNP para sa inagurasyon ng susunod na Pangulo ng bansa.

Nauna na namang sinabi ng PNP na handa silang magpadala ng karagdagang pulis para sa inagurasyon nina Marcos Jr., at ni Vice President-elect Sara Duterte.

Wala pa din anila silang namomonitor na banta sa seguridad at buong-puwersa aniya ang pambansang pulisya sa anumang maaaring mangyari.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *