PNP papayagan na ang mga non-APOR na maghahatid-sundo sa mga frontliners

Binawi na ng Philippine National Police ang naunang pahayag nito na hindi papayagan ang mga hindi kasama sa Authorized Persons Outside of Residence (APORs) na ihatid-sundo ang mga frontliners habang naka-Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar nakipag-ugnayan siya kay DILG Sec. Eduardo Año upang plantsahin ang ilang mga panuntunan.

Bilang solusyon, sinabi ni Eleazar na papayagan ang mga non-APOR na ihatid-sundo ang mga medical at working frontliners subalit kailangan nitong sumunod sa ilang alituntunin.

Kailangan umanong kumuha ng certification mula sa mga kumpanya na pinagtratrabahuan ng mga APOR ang mga driver na maghahatid sundo sa kanila.

Kasabay nito nagbabala naman si Eleazar sa mga manloloko at magpepeke ng mga dokumento na tiyak na mananagot ang mga ito sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *