PNP, pinaghahandaan na ang seguridad sa magkahiwalay na panunumpa nina BBM, Sara

Nilalatag na ng Philippine National Police ang magiging seguridad para sa posibleng magkahiwalay na panunumpa nina presumptive president Bongbong Marcos at presumptive vice president Sara Duterte.

Ayon kay PNP Directorate for Operations at deputy commander ng Special Task Force Elections Maj Gen Valeriano de Leon, nakikipag-ugnayan na sila sa mga staff ng mga ito para malaman ang kanilang mga plano para sa kanilang inagurasyon.

Inaasahan umanong daragsain ng mga tao at taga-suporta ang mga programang ito kaya naman pinaghahandaan ng PNP ang security measures kung saan idaraos ang kanilang proklamasyon.

Mababatid na una nang sinabi ni Duterte na gusto nitong manumpa sa Davao City sa June 19.

Para naman sa panunumpa ni Marcos, sinabi ng tagapagsalita nitong si Atty. Vic Rodriguez na hindi pa tiyak kung saan ito gaganapin.

Gusto raw sana nilang idaos ang panunumpa ni Marcos sa Quirino Grandstand ngunit ginagamit ito ngayon bilang quarantine facility.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *