PNP, tiniyak na nakaalerto parin sakaling umuwi si Teves sa PH

Muling tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nila sa pagbibigay ng seguridad kay suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni Teves na uuwi na siya ng bansa ngayong araw – taliwas sa isiniwalat ni Justice Secretary Boying Remulla.

Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) chief BGen. Red Maranan, walang dapat ipangamba ang suspendidong kongresista sa kaniyang buhay lalo na’t magpapadala sila ng mahigpit na seguridad para masigurong ligtas itong makababalik ng bansa.

Dagdag ni Maranan, nakikipag-coordinate na rin umano sila sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pagbabantay sa mga flights na papasok ng ating airspace, maliban pa sa nakaalertong Aviation Security Group o AVSEGROUP. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *