PNP, tuloy pa rin sa paghahanap sa kinaroroonan ng iba pang mga suspek sa Lapid slay case

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala pa itong aksyon para sa pagbibigay ng subpoena laban kay suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na sinasabing mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na wala pa sialng natatanggap na order mula sa Department of Justice (DOJ) para magbigay ng assistance sa paghahain ng subpoena order laban kay Bantag.

Ito kasi ang gagamiting order para ipatawag ang suspended BuCor chief para dumalo sa preliminary investigation ng DOJ.

Sa ngayon, tuloy pa rin umano ang paghahanap nila sa iba pang mga suspects sa krimen.

Kabilang na rito sina BuCor deputy security officer SJ02 Ricardo Zulueta, at ang magkapatid na Dimaculangan.

Wala pa rin aniyang inilalabas na arrest warrant laban sa mga respondents sa kaso.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *