PNP, walang impormasyon kung may private army si Quiboloy

Muling sinabi ng Philippine National Police na wala silang impormasyon kung mayroong private army si Pastor Apollo Quiboloy.

Sagot ito ng PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo sa pahayag ni Sen.
Risa Hontiveros na umano’y kalat na sa social media na may private army si Quiboloy.

Nauna nang sinabi ni Col. Fajardo na nakapagrehistro ng hindi bababa sa 19 na baril si Quiboloy.

Sa kabila nito, hindi umano maaaring ituring na “armed and dangerous” ito dahil wala siyang dating record ng karahasan.

Pero sinabi ng opisyal na pinag-aaralan na ng PNP Firearms and Explosives Office kung maaaring kanselahin ang lisensya ng baril ni Quiboloy dahil sa kinakaharap nitong kaso.

Ipinaliwanag ni Fajardo na ayon sa batas ay maaari lang aniyang kanselahin ang license to own and posses firearm at registration ng baril kung may nagawang krimen ang isang gun owner.

Samantala, patuloy naman tinutigis ng PNP katuwang ang ibang law enforcement agencies si Quiboloy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *