Pokwang binati ang ex-partner na si Lee O’Brian sa bago umano nitong pag-ibig

Binati ng comedienne-host na si Pokwang ang ex-partner na si Lee O’Brian sa bago umano nitong pag-ibig

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos si Pokwang sa kanyang mga pasaring sa dating partner na si Lee.

Sa Twitter , ibinahagi ng comedienne-host ang tila sumbong sa kanya ng netizen na nakakita kay Lee sa isang Mexican bar sa BGC sa Taguig.

Laman ng tweet ni Pokwang na diumano’y may ibang babae nang kinikita ang dati niyang boyfriend.

Kinumpirma rin ni Pokwang sa kanyang Instagram story na may nagsumbong nga sa kanya tungkol kay Lee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *