Pres. Duterte, hindi pa aprubado ang pilot granular lockdowns sa NCR

Wala pa umanong go-signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease ang pagpapatupad nito simula September 8.

Ayon kay Roque, hindi pa umano ito aprubado ng pangulo ngunit oras na maaprubahan ay ipapatupad ito sa buong Metro Manila sa September 8, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay susunod pa rin sa community quarantine classification na nakatalaga sa kanilang lugar.

Sa bagong sistemang ito, ang mga lugar lamang na “hot spots” ang isasailalim sa lockdown, habang ang ibang lugar naman ay mananatiling bukas.

Dagdag ng Kalihim, maaari pa umanong magkaroon ng adjustments sa mga ipapatupad na guidelines ang gobyerno, ngunit asahan na ilalabas ang mapagkakasunduan bago mag September 7.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *