Pressures sa pagsunod sa mga pamantayan ng lipunan sa mga kalalakihan, posibleng dahilan kung bakit mas marami sa mga ito ang nagpapatiwakal kaysa mga kaibabaihan

Naniniwala si Board Member Maria “Nini” Ravanilla na ang isiniset na standard sa mga kalalakihan na dapat sila ay malakas, maasahan, at hindi nagpapakita ng kahinaan ang pinaka dahilan kung bakit mas marami ang bilang ng mga kalalakihan na nagko-commit ng suicide kaysa sa mga babae.

Nagreresulta kasi umano ito sa sitwasyon na nahihirapan silang ihandle ang kanilang mga emosyon.

Aniya, dahil ayaw nilang mapagtawanan at masabihan na mahina ay kinikimkim na lamang nila kung anuman ang kanilang mga nararamdaman.

Hindi umano katulad ng mga kababaihan na nakikipagkuwentuhan kung kaya mayroon silang outlet o napaghihingahan ng kanilang mga saloobin. Mababatid na batay sa datos ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon sa 55 mga naitalang kaso ng pagpapatiwakal sa lalawigan mula taong 2020 hanggang 2022 ay mas marami dito ang mga kalalakihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *