Probe sa mga tauhan ng MARINA re: oil spill, sinimulan na

Iniimbestigahan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang kanilang mga tauhan matapos ang insidente ng oil spill sa Oriental Mindoro na siyang nakaapekto sa daang-libong mga residente.

Ayon kay MARINA spokesperson Atty. Sharon Aledo, ilan sa mga isasailalim sa pagsisiyasat ay ang regional director ng ahensya.

Ani Aledo, titingnan din nila ang umano’y mga paglabag ng mga MARINA circulars pagdating sa naging construction hanggang sa issuance ng statutory certificates kabilang na ang registration at safety certificates.

Mababatid na una nang nagsagawa ng fact-finding investigation ang ahensya, at inaasahang mag-iisyu ang mga ito ng posibleng mga rekomendasyon at violations hinggil sa insidente.

Samantala, nanatili naman ang claim ng MARINA na wala silang inisyu na Certificate of Public Convenience (CPC) para sa lumubog na oil tanker. //SM edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *