Probinsya ng Camarines Sur nakapagtala ng pinaka mataas na pagdagdag sa covid-19 positivity rate sa bansa- OCTA

CAMARINES SUR- Malaki ang itinaas sa 7-day positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga sumailalim sa test para sa COVID-19 sa bansa ayon sa tala ng OCTA Research Group.

Double digit na ang positivity rate as of April 29 ayon kay  OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa ilang mga lugar. Pinakamataas ang Camarines Sur sa 39.7% ,  Rizal sa 28.5% , Cavite  28.1% at  Laguna na may 21.2%.

Sa record ng Department of Health Bicol paisa-isa ang naitatala sa mga bayan sa Camarines Sur, sa Naga naman pumalo sa 47 ang aktibong kaso noong Abril 29 lamang malayo sa anim na active cases noong Abril 23. Pero pinawi ng LGU ang pag-aalala ng publiko dahil mga mild cases ito.

Sinabi rin ng Bicol Medical Center na hindi totoong naghahanda ng isa pang ward dahil marami ang admitted sa sakit.

Ang bayan ng Pili isa sa mga nakakapagtala ng kaso, sinabi sa Brigada News FM Naga ni Municipal Health Officer Dr. Rafael Salles na karamihan sa mga nagpatest ay asymptomatic naman. Pero kailangan aniyang mag-ingat kahit pa mga bakunado na laban sa sakit. Pagsusuot ng facemask indoors at sa mga matataong lugar ang payo nito sa kaniyang mga kababayan lalo na ma’t mayroong mga may trangkaso o mga COVID-19 like symptoms.

Ayon sa DOH, walang dapat na ipag-panic dahil nanatiling mababa ang health care utilization rate sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *