Produksiyon ng abaca sa Catanduanes nitong 2020, mas mababa ng 16.68% kumpara noong 2019 ayon sa PhilFIDA

BICOL—Inihayag ni Catanduanes Philippine Fiber Industry Officer – Roberto Lusuegro na umabot lamang sa 3,604 metric tons ang produksiyon  ng abacca sa islang probinsya ng Catanduanes nitong taong 2020 na ikinokonsiderang mas mababa ng  16.68% kumpara sa produksyon nitong nagdaang 2019 na may 21,608 metric tons na production rate.

Ayon sa opisyal, ito ay marahil ang naging epekto ng COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng dalawang magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses nitong nagdaang taon.

Bunsod nito, nanawagan si Lusuegro sa mga lokal na opisyal ng probinsya na magtulungan sa pag follow up ng P121-milyon na pondong ipinangako ng Department of Agriculture na gagamitin ng PhilFIDA sa programang rehabilistasyon ng sektor ng pag-a-abaca sa lalawigan.

Maaari din aniya itong magamit para sa cash for work program para sa mga maghahagot at mga nagtatanim ng abaca sa probinsya.

Sa ganitong paraan, ay su-swelduhan ng pamahalaang panlalawigan ang mga magsasaka para magtanim ng abaca na siya ring magiging panimula sa pagtataguyod ng rehabilitasyon ng abaca farming sa Catanduanes. Umaasa si Lusuegro na maibibigay ng D.A ang rehabilitation fund, bago matapos ang taong kasalukuyan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *