Abaca fiber production sa Bicol, bumaba ng 34.9%-PhilFida

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Fiber Industry Development Authority (PhilFida) na bumaba ang produksyon ng “abaca fiber” sa Bicol Region sa 34.9%.

Sinabi ni Kennedy Costales, Executive Director ng PhilFida, pumapangalawa na lang ang nasabing rehiyon sa may pinakamaraming produksyon ng abaca, kumpara noong nakaraang taon kung saan ito ang nangunguna sa pinakamalaking produksyon ng abaca sa bansa.

Umabot na lamang sa mahigit 2,300 metriko tonelada (MT) ang produksyon ng abaca fiber sa Bicol.

Ito ay ayon sa datos ng tanggapan, mula buwan ng Enero hanggang Pebrero 2022.

Kumpara noong nakaraang taon, nasa mahigit 19,800 Metric Tones lamang ang produksyon kung saan halos bumaba ito ng 34.9%.

Gayundin, mayroon lamang 8,693.38 MT kabuuang produksyon ng abaca ang buong bansa sa unang dalawang buwan ng taon.

Mas mababa ito ng 13.7% kumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon na mayroong 10,076.41 MT.

Sinabi ng opisyal, ang nakikitang dahilan ng pagbaba ng produksyon nito ay ang ginagawang ‘bacbac’ o ‘umbak’ na pag-aani ng mga magsasaka, kung saan nagdudulot ng pagkalat ng sakit sa mga halaman.

Ayon naman kay Regional Director Mary Ann Molina ng PhilFida Bicol, ang pagbaba ng produksyon ng abaca fiber ay sanhi ng sunod-sunod na bagyong tumama sa Bicol Region, pandemya at may market demand issue.

Leave a Reply

Your email address will not be published.