DSWD Bicol namahagi na ng cash cards sa mga UCT benefeciaries sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol National Household Targeting Section (NHTS) at mga Municipal Action Team ng pamamahagi ng cash cards para sa mge benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer (UCT) Listahanan sa buong rehiyong Bicol.

Katuwang sa pakikipagtulungan ang Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) at Land Bank of the Philippines (LBP) para sa distribusyon ng UCT.

Ang UCT cash cards ay naglalaman ng P3,600 na maaari nang i-withdraw ng benepisyaryo sa alinmang automated teller machine (ATM) ng LBP.

Ang UCT ay subsidiya na ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 10963 o Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagalalayong matulungan ang mga mahihirap na mapagaan ang pang-ekonomiyang epekto ng TRAIN Law sa kanilang pang araw-araw na kabuhayan.

Nagsimula ang implementasyon nito noong 2018 hanggang 2020.

Pinapayuhan naman ng DSWD FOV ang lahat ng mga benepisyaryo na hindi pa nakakakuha ng cashcards na maghintay ng anunsyo para sa eskedyul ng release sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.