PRRD, hinamon si Carpio ng debate kaugnay sa isyu sa WPS

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na sila ay magdebate kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea partikular na sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na pumabor sa Pilipinas sa kaso nito laban sa China.

Sa pre-recorded briefing na inere noong Miyerkules ay sinabi ng Pangulo na meron itong tatlong katanungan para kay Carpio.

Una ay kung sino ang nasa likod ng pagpapaatras ng Philippine Navy mula sa West Philippine Sea? at Pangalawa, ano ang ginawa ng administrasyon ni dating pangulong Benigno Aquino III sa nangyari?

Panguhuli ay nais malaman ng Pangulo kung kaya ba ng Pilipinas na i-enforce ang kaso na naipanalo ng Pilipinas.

Mababatid na iginigiit ng Punong Ehekutibo na sina Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang rason kung bakit umatras ang Navy ships ng Pilipinas mula sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *