PRRD, nagpasalamat sa donasyong bakuna at equipment ng U.S.

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos para sa donasyon nito na 3-milyong karagdagang COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Sa arrival program ng mahigit 3-milyong Moderna vaccine doses ay sinabi ng Pangulo na  nagpapasalamat ito sa pagiging mapagbigay ng U.S. lalo na at bukod sa bakuna, ay namahagi rin ito ng medical supplies at equipment para suportahan ang iba’t-ibang institusyon ng bansa.

Dagdag ng Pangulo, ang kooperasyon ng Pilipinas at U.S. sa paglaban sa pandemya ay patunay sa matatag at malalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Samantala, inihayag naman ni US Embassy Charge dā€™ Affaires John Law  na ang Washington ay ang pinakamalaking contributor sa vaccine-sharing COVAX Facility.

Ipinunto ng embahada na nagawa na ng U.S. na ma-facilitate ang delivery ng mahigit 13-milyong bakuna sa Pilipinas.

Tiniyak naman ng Estados Unidos na patuloy itong makikipagtulungan sa Pilipinas hanggang sa matalo ang pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *