Isang pribadong ospital sa Camarines Norte nagbabala hinggil sa pagkalat umano ng pekeng Rapid Antigen Tests

CAMARINES NORTE- Nagbabala  sa publiko ang  Daet Doctors Hospital Incorporated hinggil sa kumakalat umanong pekeng Rapid Antigen Tests for COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte gamit ang pangalan at template ng naturang ospital.

Sa pamamagitan ng kanilang official social media account inihayag ng pamunuan ng ospital na hindi sila nagsasagawa ng Home Service Test.

Lahat din umano ng kanilang Rapid Antigen Test for COVID- 19 ay may iba’t- ibang control number at hindi valid kung walang dry seal.

Hindi umano nito kinukunsinte ang anumang  aksyon na labag sa batas.

Pinayuhan rin ng Daet Doctors Hospital ang publiko na maging maingat at huwag mag – engage sa anumang kaduda- dudang gawain.

Mangyari din umanong kaagad na ipaalam sa pamunuan ng ospital kung mayroong anumang pekeng test na ginawa.

Ginawa ang paalala kasunod ng pagkaka aresto  noong Lunes ng gabi sa dalawang kalalakihan na nagtangkang pumasok sa Tabugon Checkpoint gamit ang pekeng negatibong resulta ng SARS- COV- 2 Antigen Test at ginamit pa ang pangalan ng naturang ospital.

Ang mga suspek na sina Emmanuel Tayo y Solares 41 at Andrew Otilla y Bress 26 na kapwa residente ng Barangay San Roque sa bayan ng Mercedes ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code dahil sa pagamit ng falsified documents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *