PSO Daraga, nilinaw ang tungkol sa kumakalat na video online kaugnay ng kanilang pagsita sa mga ambulant vendor sa bayan

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Public Safety Office (PSO) Daraga, Albay ang patungkol sa kumakalat na video online kaugnay ng kanilang ginawang pagsita at pagkumpiska ng paninda ng mga ambulant vendor sa bayan.

Ayon kay PSO Chief, Vicente Nayra Jr., ang nasabing vendor ay makailang ulit nang inabisuhan na kung saan, kapag sinisita, sa una ay tila nagliligpit naman, subalit bigla rin itong babalik at ilalatag muli ang mga paninda.

Aniya, hindi lamang ang ordinansa patungkol sa tamang oras ng Night Market ang kanilang nilalabag, kundi maging ang Municipal Order No. 10 series of 2019 na nagbabawal sa sinumang magtinda sa sidewalk.

Saad nito, nasa pribadong lugar naman sana sila ngunit ang kanilang mga mamimili ay umaabot na sa sidewalk na nagdudulot ng obstruction sa daloy ng trapiko.

Dagdag pa nito, kanila ring ibinalik ang mga paninda bilang konsiderasyon ngunit sinabi na dapat mayroon nang bayad bago makuhang muli dahil mayroong citation ticket na inisyu sakanila.

Sa ngayon, nananawagan ang opisina na sumunod sa mga ipanatutupad na ordinansa sa bayan upang maging organisado at malinis ang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *