Public Safety Officer sa lungsod ng Naga arestado matapos mag-amok

NAGA CITY – Arestado dahil sa pag-aamok ang isang personahe ng Public Safety Office sa lungsod ng Naga.

Kinilala itong si Joey Jeremias y Hernandez, 43-anyos ng Madrigal Village, Barangay Pacol ng lungsod.

Napag-alaman kay PSMS Tobias Bongon, Information Officer ng NCPO, isang sumbong ang nakarating sa mga personahe ng Police Station 4 kaugnay ng ginagawang pag-iingay ng suspek sa pamamagitan ng pagbobomba sa silinyador ng motorsiklo nito, daan upang mabulahaw ang mga kapitbahay.

Ayon sa report, sinita umano ng isa sa mga kapitbahay ang enforcer dahil sa nililikhang ingay nito, subalit ito naman ang napagbalingan ng galit ng suspek kung saan dito na hinamon ng away ang kapitbahay.

Hindi pa umano nakuntento ang suspek at sinugod pa nito ang bahay at doon na pinagsisira ang bintana at glass door ng naturang tahanan.

Samantala, nagpalabas na rin ng pahayag si Executive Director Rene Gumba ng PSO-Naga kaugnay ng pangyayari at nais nitong pa-imbestigahan ang ginawa ni Jeremias. Hindi umano nito kukonsintihin ang ginawa ng kanilang tauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *