Publiko mag-ingat sa posibilidad ng Extreme Danger Level ng heat index

NAGA CITY-Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa posibilidad ng Extreme Danger Level ng heat index.

Inaasahan kase ng weather bureau na mas tataas pa ang nararamdamang init pagdating ng Mayo.  Nitong  Huwebes  43°C ang heat index sa Dagupan ,  Pangasinan at Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Kung 52 degrees Celsius o mas mataas pa ito ay “extreme danger level” ayon sa PAGASA.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Rey Millena ng Department of Health – Camarines Sur  na mag-ingat ang publiko sa Heat Stroke. Dapat aniya laging hydrated.

Ayon sa mga eksperto maaari itong magdulot ng pagpalya ng ilang organ ng isang tao, pagkawala ng malay at kung matindi ay kamatayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *