Modules, ibinigay sa mga estudyanteng hindi kahalok sa Modified Palarong Bicol pero gagamitin ang paaralan bilang billeting area

NAGA CITY – Darating na bukas araw ng Linggo sa Naga City ang mga atletang kalahok sa gagawing Modified Palarong Bicol 2023 para sa opisyal na pagsisimula ng mga sports events sa Lunes,Abril 24.

Limang araw na walang pasok sa paaralan na gagamitin bilang billeting. Sa layuning hindi maputol ang pag-aaral ng mga bata, binigyan ng modules ang mga hindi kalahok sa mga laro.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Apollo Sebello, School Principal ng Don Mariano Abella I. Central School na nasa Barangay Cararayan.

Ayon kay Sebello, sinabi niyang kahit papano ay may activity ang mga estudyante at may matututunan pa rin kahit wala silang pasok, sa pamamagitan ng ibinigay na modules.

Ang paaralan ay gagamitin ng mga a atleta at coaches mula sa lalawigan ng Albay na ayon sa School Principal ay halos 300 ang mga ito.

Nakahanda na sina Sebello sa pagdating ng mga atletang ookopa sa kanilang paaralan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *