Pulisya, hinihintay na magpa-blotter ang motorista na di umano’y tinangkang holdapin sa PPC South National Highway

Nakarating na sa pulisya ang impormasyon tungkol sa di umano’y tangkang panghoholdap sa isang motorista sa kahabaan ng barangay sta. lucia at barangay Luzviminda sa Puerto Princesa.

Ayon sa isang Lennart Diaz Caseria, nangyari umano ito sa kanyang nitong gabi ng Linggo habang pauwi siya ng Aborlan galing sa Puerto Princesa sakay ng motorsiklo.

Inihayag nito sa social media na nadaanan akong motor (XRM na pula) na nakatumba at nang nilapitan na iyon ay biglang biglang nagpaandar yung Honda Click na puti at lumapit sa kanya. Itinayo ng dalawang lalaki na naka-bonet ang motorsiklo (XRM) hanggang sila’y naghabulan na sila.

Pawang mga naka- bonet umano ang apat na binatilyo na naroon.

“Naabutan nila ako sa bandang bilihan ng mga dugos at unan, binato ako ng isang lalaki pero tumama lang sa bag ko. Tinangka ng nasa Honda Click na sipain ang motor ko pero humarurot na ako ng patakbo. Iba ang takot at kaba na naramdaman ko, sobrang dilim pa ng daanan.”

“Sa kung sino man ang mga holdaper, kumayod kayo para sa pamilya niyo sa malinis na paraan lumaban kayo ng patas. Nilalagay nyo sa peligro ang buhay nyo at buhay ng ibang tao.”

“Nakaka-trauma, sana maaksyonan po yan!” dagdag pa ni Lennart sa kanyang facebook post.

Samantala, hindi na muna naglabas ng pahayag tungkol dito ang Police Station 2 habang hinihintay nila ang umanoy biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *