PVet So.Cot nagsasagawa ng random blood collection kontra sa bird flu

KORONADAL CITY- NAGSASAGAWA ng random blood collection at swab testing sa mga fowls at poultry katulad ng mga manok ang Animal Disease Surveillance Team ng Provincial Veterinary Office o PVet South Cotabato sa Barangay Magon, Tantangan.

Ito’y matapos nakapagtala ng confirmed case ng H5N1 o Avian Influenza ang isang commercial farm dito na naging rason sa pag-cull sa mahigit sa 80,000 na mga manol.

Napag-alaman na target ng PVet na makakolekta ng samples sa 34 na mga barangay.

Kaugnay nito, umapela ang PVet sa mga residente na payagang makapasok at makakuha ng samples ang mga miyembro ng surveillance team sa kanilang mga alagang hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *