Ragos posibleng inalok ng P15M-P20M para bawiin ang akusasyon laban kay De Lima – PRRD

Tahasang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na inalok si dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos ng pera para bawiin ang naging pahayag nito laban kay detained Senator Leila de Lima.

Ayon kay Duterte, posibleng tumanggap si Ragos ng P15 hanggang P20 million para sa kanyang retirement pay.

Pero para sa pangulo, kulang ang naturang halaga sa oras na mag-edad si Ragos ng 90 taong gulang.

Giit ng punong ehekutibo, si Ragos ang na-pressured ay siguradong binigyan ito ng tulong.

Naniniwala naman si Duterte na ang pagkambyo ni Ragos sa kanyang pahayag laban kay De Lima ay pera pera lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *