Poll body, inihayag ang posibleng mga petsa ng proklamasyon

Inihayag ng Comelec na ang proklamasyon ng poll winners sa ilang posisyon ay maaring gawin sa gabi ng mismong May 9 hanggang May 16.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ito ay kadalasa’y ginagawa para sa mga posisyon pagka-alkalde, bise alkalde, at sangguniang bayan sa mga munisipalidad.

Sakali man umanong magkaroon ng delay ay inaabot lang ito kinabukasan o May 10, kung saan maaring maisabay na ang proklamasyon para naman sa pagka-gobernador, bise gobernador at sangguniang panlalawigan members.

Dagdag nito, ang mga winning district representatives ay maari ring iproklamo sa May 10, habang ang mga senador at party-list proclamation ay kadalasa’y inaabot ng isang linggo.

Samantala, hindi sinabi Garcia ang saktong petsa para sa proklamasyon ng presidente at bise presidente, dahil nakadepende umano ito sa Kongreso na umuopo bilang National Board of Canvassers, pero ang partial at unofficial results para sa highest posts ay agad na ilalabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *