Random drug test sa 14 na personahe ng SPPO, nagbunga ng negatibong resulta

SORSOGON CITY – Nagbunga ng negatibong resulta ang isinagawang random drug test sa 14 na personahe ng SPPO noong Mayo 18.

Gayundin ang 359 na pulis mula sa ibat-ibang police station na napili sa ikinasang random drug testing kung saan mismong si RegionAL Director PBGen Mario Reyes ay nakiisa.

Ikinagalak naman ng opisyal ang lumabas na resulta ng drug test na walang naiulat na sinumang nagpositibo sa mga napili at lumahok sa nasabing random drug test.

Pagtitiyak ng opisyal na regular umano na kanyang ipa-facilitate ang nasabing inisyatiba upang matiyak na ang PRO5 ay walang droga.

Kung babalikan, may kabuuang 373 tauhan ang random na napili upang sumailalim sa nasabing drug test kabilang na dtto ang 56 na Police Commissioned Officers, 304 na Police Non-Commissioned Officers at 13 Non Uniformed Personnel mula sa PRO5.

Ang pagsusuri sa droga para sa mga pulis ay bahagi ng Internal Cleansing Program ng PNP.

Bahagi rin ito ng pinaigting na anti-illegal drugs campaign na hindi lamang naglalayong linisin ang komunidad mula sa paglaganap ng droga kundi maging ang mismong organisasyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.