Real-life version na ‘Plant vs. Zombies’, nilaro ng mga estudyante habang vacant time

Viral ngayon sa social media ang mga estudyante ng Bulacan State University (BulSU) matapos magkunwaring kasama sa larong “Plants vs. Zombies” habang nasa kanilang vacant time.

Makikita sa video na ginamit ng mga estudyante ang kanilang creativity upang makagawa ng costume.

Suot-suot nila ang kurtina at neck pillow para magaya ang mga game characters na sunflower at zombie.

Nakakuha na ang video ng 1.2 million views at 118,300 likes sa TikTok.

Dahil dito, nagsimula na itong gawin rin ng iba pang mga estudyante, at pati mga guro ay nakisali na rin sa trend.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *